Ang Wikang Filipino sa Kasalukuyan

Ni:Gerald Jun P. Gavarra

Nakakabalisa ang nqging panukala noon ni dating Gloria Macpagal-Arroyo tungkol sa wikang Ingles na ginagamait sa pagturo na ipinatupad noon sa mga publikong paaralan. Kailangang raw masanay ng mabuti ang mga Pilipino na gumamit ng wikang Ingles upang mqlakasabay naman raw tayo sa Munro natin na punong punovng globalisasyon. mas umunlad nga naman ang Pilipinas noong mas mataas pa ang “literacy rate” nito kaysa sa Thailand, Indonesia at Singapore na mga kapitbahay mating bansa sa Asya. Ang pagpapalaganap rin daw ng pagamit ng wikang Ingles ang naging dahilan sa pagunlad ng ekonomiya ng mga bansang ito.

Pwede mating sabihin na tama siya at malaki pa ang naitulong at maitutulong ng pagpapalaganap ng wikang Ingles sa bansang kasali sa “Ikatlong Mundo”. Pero,depende na lang sa konteksto ang kahulugan ng ” pagunlad”. Alan naman nation na NAIA niyang ibigay ang mga manggagawang pilipino sa mga dayuhang companya at maging mga mangagawa. Mas pinipili raw ng mga dayuhang kompanya ang mga bansang mataas ang literacy rate na basehan ng kanilang mga operasyon. Malaki ang suliranin sa dahilang into. Una,maaring pagsuko natin ito sa mga kagusutuhan ng mga dayuhan ng pawang gusto laman tayong pagsamantlahan dahil sa murang pasahod sa mga bansang tulad ng Pilipinas. Kung ganun rin naman ang mangyayari, iasa na lamang natin sa mga dayuhan ang pagunlad ng bansa natin.

Is a pa, walang pagsasalin ng teknolohiya na nagaganap. Kasali na ang mga maunlad na bansa tulad ng Amerika, Pransiya, Alemanya at Hapon ng ikatlong daluyong o “third wave” ng teknolohiya. Ang ibigsabihin niyan ay mayroon talaga silang kapangyarihan, kakayahan at autnomiya ang mga bansang ito sa kung among teknolohiyang nais nilang buuin. Sila ngani naman ang nangunguna sa larangan ng teknolohiya. Ngunit Hindi ito naipapasa sa mga bansang tulad ng Pilipinas ang mga teknolohiyang ito at ning mangagawa na lng nila tayo.

Ang Microsoft Philippines ay isang magandang ehemplo at ayon sakanila,nagsilbi lang tayo bilang isang “distribution center” ng Microsoft Asia. Hindi tinuturuan ang Pilipinas na gumawa at bumuo ng produkto sa Microsoft. Dahil dito,walang kapangyarihan ang Pilipinas upang bumuo ng mga teknolohiya tulad ng Microsoft at palagi na lamang itong mag aangkat ng produkto mula sa Amerika at walang naganap ng “technology transfer”

Sa napipintong pagkabuwag ng mga hadlang sa pakikipagkalakalan na idinulot ng globalisasyon,mahalaga ngani naman na makasabay ang Pilipinas sa agoa ng panahon. Ngunit itanong muna natin, “among mukha angbihaharap ng Pilipinas sa mundo, tila wala itong iisang mukha.

Matanglawin02.tripod.com/isyu06/pitik_Filipino.htm