“Ang istorya ng tagumpay ni Manny Pacquiao”

Taong 1990 sa probinsya ng General Santos sa Pilipinas. Si Manny Pacquiao ay labindalawang taong gulang pa lamang.

Palaging nababanggit ni Pacquiao ang kaniyang utang na loob sa kaniyang maternal uncle, Sardo Mejia, na nagpakilala sa kaniya sa mundo ng boxing pagkatapos niyang madrop-out sa eskwelahan. Sa pagkakataong iyon ay kumislap ang dating hindi nakikitaang hilig na kung saan ito ang nagdala kay Pacquiao na maging isa sa mga pinakamagagaling na boksingero sa buong mundo. Sa kanilang bayan, nagtayo siya ng “open-for-all boxing match” at tinalo ang bawat kalahok na dumalo. Ang dating dropout ay naging kilala bilang isang junior boxing champion.

Bagama’t naging matagumpay, ang kaniyang pamilya ay nananatiling mahirap at nakakaranas pa rin ng gutom noong mga panahong iyon. Ang kaniyang pamilya ay naging desperado na kung saan ito ay dumating sa puntong kinailangan ng kaniyang ama na patayin ang kaniyang alagang aso upang magkaroon lamang sila ng hapunan. Hindi mapatawad ni Pacquiao ang kaniyang ama kung kaya’t siya ay naglayas, natulog sa mga kahon, at nagtinda ng tinapay sa kalsada upang magkaroon lamang ng pera. Umabot din sa punto na ginamit niya ang boksing para lamang magkapera at makatakas sa kahirapan.

Pumunta si Pacquiao sa Manila at doon ipinagpatuloy ang kaniyang mga boxing match. Ngunit ang kaniyang pera na nakukuha ay hindi sapat para buhayin ang sarili niya. Nakakuha si Pacquiao ng trabaho sa isang local gym bilang isang hardinero at katulong habang ang boxing ay nasa tabi niya lamang. Siya ay nagtraining umaga at gabi hangga’t maaari, at gumigising ng maaga upang mag-ensayo ulit. Ang kaniyang tiyaga at determinasyon ay naging parte sa mundo ng boxing at nakamit niya ang mga requirements sa featherweight class.

Habang mas nagiging seryoso ang mga laban, mas lalong sumisikat si Pacquiao. Tinatalo niya ang mga pambato ng South Korea, Japan, at Thailand at sa edad na labing-siyam, pinangaralan siya bilang “first world champion” kung saan tinalo niya si Chatchai Sasakul, ang “reigning World Boxing Council” world flyweight champion. Tinalo rin ni Pacquiao si Marco Antonio Barrera sa Texas at TKO ang naging resulta na kung saan siya ay naging sikat maging sa international.

Ngayon, sa edad na 37, isa si Pacquiao sa mga respetadong boksingero. Bagama’t natalo siya sa laban nila ni Mayweather, napanalunan niya naman ang bawat puso ng boxing fans worldwide. Ang kaniyang “one-of-a-kind” na kwento ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa mga Pilipino at maging sa bawat boksingero.

Sanggunian: https://www.kalibrr.com/advice/2015/05/manny-pacquiao-success-story-will-inspire-you/

Isinagawa ni Chloe Ferdinand A. Camilo

Leave a comment