Pasan ang Mundo

Ni: VINNER R. MORENO
(Tekstong Deskriptibo)

Hindi maikakaila na marami sa ating mga Pilipino ang mahilig at gustong mag-alaga ng pusa. Ito ay sa kadahilanang maganda at malambot hawakan o yakapin ito. Ito rin ay waring nakakapawi ng pagod sapagkat makita mo lang ang maganda at “cute” nitong mukha ay parang mapapangiti kana lalo na kung ang pusa ay sadyang maamo. Ito rin ay kadalasang lumalapit ng kusa sa kanyang amo at magbibigay ng aliw sa pamamagitan ng pagdikit ng malambot niyang balahibo. Ngunit sa kabila nito, ang pusa ay masasabing mayroon ding hindi magandang kinahaharap. Ito ay maiisip mo kung ang iyong alagang pusa ay makikita mong nag-iisa sa isang tabi.
“Parang pasan ang mundo”. Yan ang maaaring maisip ng karamihan kung kanilang pagmamasdang mabuti ang pusang nag-iisa. Malayo ang tingin, hindi malaman ang iniisip at parang wala ng pag-asa sa mundo. Ngunit hindi natin ito masasabing tunay sa iba sapagkat hindi naman natin alam kung ano ang talagang iniisip nila. Ito ay isa lamang malalim na kaisipan sa ating sarili. Kapag ang pusa ay nakita nating nag-iisa, maaring gumawa na lamang tayo ng paraan para maiwasan ang ganitong kaisipan. Kunin at yakapin nalang natin ang maganda at malambot na pusa at alagaan itong mabuti. Hindi magandang isipin na ang napakaganda at malambot na pusa ay magiging isang kaawa-awa lang sa isang tabi.
Kahit sabihin natin na peste sa bahay ang mga pusa dahil sa pagnanakaw nila ng ating pagkain, hindi natin pwedeng saktan ang mga ito. Maaaring nagagawa nila ito dahil sa pagkagutom. Ang pusa o kahit ano mang hayop ay para ring tao sapagkat sila ay nakakaramdam din ng takot, pagod, at gutom. Hindi natin pwedeng sabihin na sila ay mga hayop lamang. Sila rin ay may buhay at gusto rin mabuhay sa ating mundo. Kailangan din natin silang alagaan katulad ng pag-aalaga natin sa ating sarili.
Ang mga pusa ay may mahalagang parte sa ating mundo at maging mismo sa ating mga tao. Nagbibigay aliw, nagbabantay sa mga mapaminsalang daga sa ating bahay at nakakatulong din sa ating sarili. Ito ang kanilang silbi sa ating pamumuhay. Hindi ang sila basta basta pusa. Sila ay may buhay din na kailangan nating pahalagahan sapagkat sila rin ay likha ng ating Panginoon na may nakatalagang misyon dito sa ating mundo. Atin silang pangalagaan katulad ng pag-aalaga natin sa ating sarili. Mahalin din natin sila at huwag nating pabayaan.

Leave a comment