Aso

Merong dahilan kung bakit tinatawag ang mga aso bilang “Man’s best friend.” Hindi katulad ng ibang hayop, marunong makisama ang mga aso at nagpapakita sila ng matinding pagmamahal sa kanilang amo. Dahil na lamang sa mabuting ugali nila, sila ang pinaka-karaniwang na alaga sa bahay. Base sa isang ginawang survey, 45.6 ang bilang ng mga bahay sa US na may alaga nito.Katulad ng tao, ang aso ay mulat sa oras. Alam nila ang rutina mo. Sa bawat papakainin mo na sila, naka-abang na ang mga aso sa kanilang plato, at alam nila kung ilang oras na ang nakalipas ng huli mo silang nakita, at kadalasan ay nalulungkot kung hindi ka nakita sa matagal na panahon. Kaya lagi silang masaya kapag dumadating ka galing sa iyong klase o trabaho.Matalas din ang kanilang senses. Ang kanilang pag-amoy ay higit isang libo hanggang sampung milyong beses na mas malakas kesa sa tao depende sa kanilang lahi. Apat na beses rin na mas malakas ang kanilang pagrinig kaysa saatin kaya hindi na nakakagulat na sila ay karaniwang ginagamit na bomb detector ng mga pulis at military dahil sa matindi nilang kakayahan.
At higit sa lahat, ang aso ay may kakayahang malaman ang pakiramdam ng kanilang amo base sa iyong amoy at dito nila nalalaman kung ano ang pakiramdam mo, katulad ng amoy ng pawis kapag kinakabahan o natatakot ang kanilang amo. Sila rin ay nakaka-amoy ng disease o sakit ng tao. Sila ay lumalapit sa kanilang amo upang lambingin sila o bawasan ang stress na nararamdaman nito.
Ang swerte naman natin na biniyayaan tayo na makapag-alaga ng aso. At base sa mga nabanggit ko sa ating mga tagapag-bantay, sana mas mabigyang pansin natin sila at pangalagaan, ingatan, at higit sa lahat, mahalin ang ating mahal na alaga.

Leave a comment