Kahirapan sa Lupa

ni: Irvin M. Aure
Ang buhay ng taong walang kaya ay napakahirap dahil sa kakulangan ng suporta sa pamilya tulad ng, walang makain, walang pera na pangbili ng mga pangunahing kailangan ng pamilya, mga taong nakatira sa skwater, at ang mga batang hindi nakakapag-aral.
Ang kahirapan ay nagtataglay ng malakas na impak sa mga tao, dahil ito ang pangunahing problema kaya tao kumakapit sa patalim para makaranas lamang ng kaginhawaan. Ang mga taong, palaboy, mga batang naglalaro sa langsangan, mga taong gumagawa ng krimen tulad ng, pagbebenta ng druga na sa ngayon ay sinusugpo ng ating president, pag hohold-up, pang rereape, pag patay ng tao para sa reward at iba pa. Ang mga halimbawang ito ay mga epekto lamang ng kahirapan.
Sa maraming taon na dumaan at madaming Pangulo ang napalitan ang bansang Pilipinas ay isa parin sa mga bansang mahihirap. Nangyayari tio dahil sa mga taong nakaupo sa mataas na posisyon o tinatawag natin na Gobyerno dahil sa akala natin ay ginagawa nila ang lahat para saikakaunlad ng ating bansa pero hindi! Hindi lahat ng mga tao na nakaupo sa mataas na posisyon ay gumagawa ng tama dahil sila ang pangunahing dahilan kaya madaming mahihirap na tao sa Pilipinas.
Ang mga taong ito ay gumagawa ng korapsyon at isa sila sa pangunahing dahilan kaya naghihirap ang mga milyong-milyong Pilipino. Ang suporta ng gobyerno ay napakahalaga dahil ditto kumukuha ang tao ng suporta o tulong para mawala ang kahirapan o masolusyonan ang problemang ito.
Ang mga taong walang pera para pagamutin ang mga kanilang mahal sa buhay na may sakit ay epekto ng pagkakamatay. Ang kahirapan ay napaka unang mahirap na problema na maaaring mangyari sa atin. Nasa kamay ng gobyerno ang solusyon sa kahirapan para ito ay mawala.

Leave a comment